Sa Literatura ang
salitang "MANGYAN" o "Mangianes, Manghianes, Manguianes" ay
pinagsama-samang pantukoy sa 7 "ethnoliguistic" na tribo na naninrahan
sa kabundukan ng Mindoro, ang ikapitong malaking isla sa hilagang parte
ng Karagatang Sulu, parteng timog ng Batangas at ng kalakhang Luzon.
Bagama't ang kapatagan ng probinsya ng Mindoro ngayon ay nauukapahan na
ng mga non-Mangyan groups katulad ng mga Tagalog, Bisaya at ilang mga
Ilokano.
Ang Pitong tribong bumubuo sa komunidad ng Mangyan na may kanya-kanyang
populasyon ay : Batangan o Taubuhid/Tawbuhid may 36,000 na populasyon,
ang may pinakamarami sa mga Mangyan. Alangan, na nasa parteng Hilaga ng
Mindoro ma ,e kabuuang 13,500 populasyon. Iraya ang mga katutubong nasa
parteng hilagang-kanluran ng Mindoro, may kabuuang 35,000 na dami at
karamihan sa kanila ang umuukupa sa Mt. Halcon, isa sa mga paboritong
Mountain Peak na akyatin ng mga mountaineers Tadyawan naman ang tawag sa
mga Mangyan na nasa Hilangag-Silangan ng Mindoro, may 2,000 populasyon.
Buhid naman ang sa may parteng Timog, 6,500 naman ang kanilang
populasyon. Ang mga buhid ay nabubuhay rin sa pamamagitan ng pangingisda
sa dagat. Ang Ratagnon, 10,500 ang dami, katulad din ng mga Buhid ang
mga Ratagnon ay sa me dulong katimugan ng Mindoro na kalimitang ang
pinagkukunan din ng pagkain eh ang dagat. Sa mga tribo ng Mangyan, itong
Hanunuo (18,500) o kalimitang tinatawag na "Mangyan Patag" ang
pinakanakalasap ng sibilisasyon. Sa parteng timog din ng Mindoro sa mga
bayan ng Roxas, Mansalay, Bulalacao at ng San Jose kung saan, karamihan
sa kanila ay nakikisalamuha na sa mga Kristiano( ang kalimitang panuring
nila sa mga Non-Mangyan individuals). Marami na rin ang mga pari at
misyonaryo ang nakapagturo sa kanila, bagamat, naiipanatili pa rin ng
mga Hanunuo ang kanilang kultura at tradisyon.
Noong 600-700 taon na ang nakaraan unang nanirahan ang mga Mangyan sa
Mindoro, napaniwalaan na nagmula sila sa parteng Kabisayaan ng
Pilipinas. Ang katotohanan... sila ang unang tao sa Mindoro
Ang mga mangyan ay mayroong mayamang at katangi-tanging kultura. Sila ay
marunong tumugtog ng gitara, byulin, plawta, at gong. Mayroon silang
tinatawag na ambahan na binubuo ng mga salitang magkasintunog na
binibigkas nila o minsan nama’y inaawit ng walang saliw ng anumang
instrumento.
Makikilala ang isang Mangyan sa kanyang kasuotan na pinapakita rin kung
sa aling tribo siya nabibilang. Ang mga Alangan at Tau-Buid ay gumagamit
ng mga puno at halaman bilang kasuotan. Ang mga babaeng Alangan ay
nagsusuot ng kasuotan na gawa sa nililang rattan samantalang bahag na
gawa sa balat ng kahoy naman ang isinusuot ng kalalakihan. Ang nga
lalaki at babaeng Tau-Buid naman ay gumagamit telang gawa sa balat ng
kahoy bilang kasuotan. Ang karaniwang damit ng lalaki’t babae sa
kanilang tribo ay ang bahag. Ang mga lalaking Hanunuo ay nagsusuot din
ng bahag at damit pantaas samantalang ang mga babae nama’y gumagamit ng
mga maiksing sayang na kulay lila at mga nilálang damit pantaas. Ang mga
babaeng Buhid naman ay nagsusuot ng puti at itim na saya na tinatawag na
abol at ang lalaki naman ay nakabahag din. Isang katangian ng lahat ng
mga tribong nabanggit ay ang kanilang pagkahilig sa mga palamuting gawa
sa mga bato o “beads”.
Ngayon, isa sa mga pangunahing hanapbuhay ng mga Mangyan ay ang kanilang
mga “handicraft” o gawang-kamay mula sa mga pinong sanga, bato at bulak.
Nagtatanim din sila ng ng palay, mais, beans, saging, at kamoteng-kahoy.
Sila ay makakalikasan ngunit ang kanilang pamumuhay ang nanganganib ng
dahil sa walang habas na pagsira sa kalikasan ng mga “illegal loggers”.
Ang ilang mga Mangyan ay nagsisilbi paminsan-minsan bilang trabahador ng
mga taga-patag.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga maling paniniwala tungkol sa mga
Mangyan at ang kanilang kaakibat na paliwanag:
Naniniwala ang iba na ang mga Mangyan ay may buntot. Maituturing itong
insulto sa panig ng mga Mangyan. Ang sumulat nito ay tinutukoy ang
telang pahaba ng bahag na isinusuot ng mga lalaking Mangyan.
Ayon sa iba, ang mga Mangyan ay mga pulubi. Iilan lamang mga nayon sa
isang komunidad mg mga Mangyan ang namamalimos sapagkat ang mga Mangyan
ay may ay may mataas na pagtingin sa kanilang mga sarili.
Pinaniniwalaaang hindi kaaya-aya para sa isang Mangyan ang mamalimos sa
daan. Bunga marahil ito ng kanilang pagpapahalaga sa kanilang kalayaan
at sa kanilang kakayahang mamuhay ng hindi humihingi ng tulong mula sa
iba. Nakatuon ang pamumuhay ng mga Mangyan sa payapang
pakikisalamuha.Nakikibagay din ang mga Mangyan sa kanilang kapaligiran.
Ang karaniwang Mangyan ay nakatira sa isang tagpi-tagping bahay kubo na
may sahig na yari sa kawayan. Ang ilang grupo ng mga Mangyan, kabilang
na ang mag alangan ay nakatira sa mga magkakadikit na bahay na tinatawag
na balay-lakoy kung saan tatlo hangang dalawampung pamilya ang
naninirahan.
Ang mga krimen, pagnanakaw, o karahasan sa mga Mangyan ay bihirang
mangyari. Bawat tribo ay amy sariling batas na nagsisilbing gabay para
sa mga nakatatanda sa pag-ayos ng mga di-pagkakasundo. Ang paggamit ng
ipinagbabawal na gamot at alak ay ipinakilala sa mga Mangyan ngunit ang
mga ito ay hindi laganap. Ang kamoteng kahoy, yam, ligaw na prutas,
saging, mais, at kanin ay kabilang sa kanilang tradisyunal na pagkain.
Hindi maiikakala na isa sa mga lubusang inaaping lahi ang mga kapatid
nating katutubong mangyan. Noon, tahimik lang silang namumuhay sa
kanilang kabukiran. Sa kabila ng kanilang simpleng pamumuhay, masasabing
kontento na sila dito sapagkat para sa kanila, sapat nang matustusan ang
kanilang pang araw-araw na pangangailangan. Hindi nila alintana ang mga
problemang kinakaharap ng mga taong nakatira sa mga pook urban.
Subalit, di naglaon ay kinamkam ng ibang tao ang kanilang mga lupaing
minana pa nila sa kanilang mga ninuno. Naging biktima sila ng pang-aapi
at pagsasamantala. Maraming mga Mangyan ang sumubok na ipaglaban ang
kanilang mga karapatan, pero tila hindi iyon sapat. Dahil sa kawalan ng
hustisya, maraming Mangyan ang sumabak sa armadong pakikibaka sapagkat
hindi nila ramdam na ang kanilang mga hinaing ay napapakinggan. Sa
kabilang banda, mayroon ding mga Mangyan na piniling mamuhay na lamang
sa kapatagan. Ngunit hindi pa rin sila nakatakas sa pangungutya at
diskriminasyon ng ibang tao. Ang masakit pa dito ay kapwa Pilipino ang
gumagawa nito sa kanila. Hindi makatarungang maliitin ang kanilang
kulturang katangi-tangi at tunay na maipagmamalaki.
Sa kasalakuyan, ang lahing Mangyan ay kinakaharap ang unti-unting
paglaho ng kanilang mga pinakaiingatang kultura at tradisyon.
Miyerkules, Hulyo 30, 2008
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
2 komento:
Maganda ang tema at pagkakasulat sa inyong blog tungkol sa mga mangyan. Nakikita ko ang pagsusumikap ng mga miyembro ng grupo upang mabigyan ng karampatang halaga at pansin ang mga katutubong Mangyan. Mas magiging kaakit-akit ang inyong pahina sa blogspot kung maglalagay kayo ng mga larawan na nagpapakita ng kanilang sinaunang kaugalian at materyal na kultura. Ang mga Mangyan ngayon may kahirapan sa pamumuhay dahil sa pagkuha ng kanilang "cultural and ancestal land" at diskriminasyon sa kanilang identidad. Subalit ang inyong entry ay mas magiging mas maganda pa kung maglalagay kayo ng layout o desenyo at gumawa ng konsepto magpapakilala ng mga katangian o paniniwala na nais ninyong ipakita o ipabatid sa inyong blog. Sana ay mas pagbutihan ninyo ang pagsusulat. Nakalimutan rin pala ninyong maglagay ng isang kwento tungkol sa natatanging Mangyan na tunay na ipagmamalaki ng lahat.
Ang inyong marka sa entry na ito ay 17/20 o 1.75. Paghusayin pa ninyo ang inyong pagsusulat.
Maraming salamat po sa pagbabahagi ninyo tungkol sa Mangyan. Ako po ay si jevelyn M. Farro mula sa Aurora State College of Technology. Malaking tulong po ito sa aking report. Sana po ay makapagbahagi at makapagbigay pa kayo ng impormasyon patungkol sa Mangyan.
Mag-post ng isang Komento