Lunes, Setyembre 15, 2008

Balangiga Massacre

The Balangiga massacre, as it is known in the Philippines, or the Balangiga affair, as it is known in the United States, was an incident in 1901 during the Philippine-American War where more than forty American soldiers were killed in a surprise guerrilla attack in the town of Balangiga on Samar island. This incident was described as the United States Army's worst defeat since the Battle of the Little Bighorn in 1876. Filipinos regard the attack as one of their bravest acts in the war.

The subsequent retaliation by American troops resulted in the killing of 2000–3000[8] Filipinos on Samar, the majority of whom were civilians. The heavy-handed reprisal earned a court-martial for Gen. Jacob H. Smith, who had ordered the killing of everyone ten years old and over. Reprimanded but not formally punished, Smith was forced into retirement from the service because of his conduct.

The attack and the subsequent retaliation remains one of the longest-running and most controversial issues between the Philippines and the United States. Conflicting records from both American and Filipino historians have confused the issue. Demands for the return of the bells of the church at Balangiga, taken by the Americans as war booty and collectively known as the Balangiga bells, remain an outstanding issue of contention related to the war. One church bell remains in the possession of the 9th Infantry Regiment at their base in Camp Red Cloud, South Korea, while two others are on a former base of the 11th Infantry Regiment at F.E. Warren Air Force Base in Cheyenne, Wyoming.

According to some nationalist Filipino historians, the true "Balangiga massacre" was the subsequent American retaliation against the Samar population.

ABS-CBN: The Correspondents' documentary on the Balangiga Bells


Sabado, Setyembre 13, 2008

"Nakaraang Ayaw Lumipas"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sa kasalukuyang panahon, binansagang makabago, napakadaling magbahagi at kumalap ng impormasyon patungkol sa halos lahat ng bagay dahil sa mga "gadgets",kompyuter at internet ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami ay LAGANAP sa bansang Pilipinas ang isang karamdaman...

Ito ay kabilang sa mga pangunahing dahilan kung bakit ang Pilipinas ay napag-iwanan na ng kanyang mga kapitbahay sa Asya at kung bakit laganap ang pagmamalabis, kawalan ng hustisya at kurapsyon sa bansa...

Ang
karamdamang ito ay taglay ng napakalaking bahagi ng populasyon mula bata hanggang matanda, mayaman man o mahirap...

Walang napag-aalamang gamot ang makapagpapagaling dito....

Ang karamdamang ito ay tinatawag na
"Walang Paki-alam".

Hindi ba't marami ang kibit-balikat sa mga isyung panlipunan na kinakaharap ng bansa na sigurado rin namang makakaapekto hindi lamang sa kasalukuyan kundi pati na rin sa susunod pang mga henerasyon?

Talagang nakapanlulumo na maraming tao ang nakokotento na lamang na mamuhay na mistulang alipin sa "tadhana" at dikta ng panahon.

Walang masama sa paniniwala sa tadhana pero nararapat bang maging tagapanood na LAMANG sa pelikula ng totoong buhay?

Hindi...

Bilang mamayan ng isang bansa, tungkulin ng tao na makibahagi sa paghubog ng hinaharap ng kanyang bayang sinilangan hindi lamang para sa kanya o sa kanyang pamilya kundi para sa isang marangal na hangarin.

Ang hangaring tuparin at isabuhay ang tungkuling namana niya galing pa sa kanyang mga ninuno - ang maglingkod sa bayan.
May magagawa ang isang pangkaraniwang mamayan na ikabubuti ng lipunan.

Unang-una ay ang pagpuksa sa tradisyon ng kawalan ng paki-alam sapagkat kung ito ay mawawala, susunod na ang mga pagbabagong inaasam-asam ng lipunan.


Ang bansang Pilipinas ay hindi magbabago kung ang mga tao ay hindi magiging mapanuri at magsasalikisk kung ano ngaba ang katotohanan sa likod ng mga pangyayari at kung ano ang mga implikasyon nito.

Kung hingi mo ay pagbabago, patunayan mo sa sarili mo na nagawa mo na ang lahat ng iyong makakaya para makatulong ka sa paghubog ng Pilipinas na iyong ninanais.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


"Ating bigyang dila ang nabulagang kaisipan, at kusang igugugol sa kagalingan ang ating lakas sa tunay at lubos na pag-asa, ng tayo'y magtagumpay sa minimithing kaginhawaan ng bayang tinubuan."


-
Andres Bonifacio





Marahil ay isa sa mga butas ng Rebolusyon sa pamumuno ni Emilio Aguinaldo ay ang pagkakapaslang kay Andres Bonifacio. Hindi maikakaila na napakalaki ng papel na ginampaman ni Andres Bonifacio upang mabuo ang Katipunan.

Ano nga ba ang kasalanan ni Bonifacio? Marapat ba siyang parusahan ng kamatayan ng dahil lamang sa pagtiwalag niya sa pamunuan ni Aguinaldo na nag-ugat sa pambabastos sa kanya?


Kung ihahambing si Bonifacio sa mga pinuno natin ngayon, siya ay nabibilang sa mga taong pinaparusahan ng dahil lamang sa kanilang paninindigan at pulitika.

Ng mamatay si Bonifacio, naging malaya na nga bang talaga ang bansa? Ang hangarin ng pumatay kay Bonifacio ay ang pag-isahin ang mga nagsi-aklas ngunit natamo ngaba ito?

Nauwi sa wala ang mga pagsisikap ng marami na makamit ang tunay na kalayaan ng si Aguinaldo mismo ay nagbigay daan sa mga mananakop. Kung nabubuhay pa si Bonifacio sa panahong iyon ay hindi sana naisakatuparan ang mga balak pangyayaring ito.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"It is obvious that Rizal was not against Revolution in itself but was against it only in the absence of preparation and arms on the part of the rebels. This was because Rizal feared that without arms, the rebels would surely be defeated and thereby cause irreparable damage to the innocent people."

-Teodoro A. Agoncillo, History of the Filipino People, Eight Ed.



Hindi maikakailang si Rizal ay isa sa mga taong nanatiling mahirap hulaan aking ano ang iniisip at kung ano ang kanyang totoong layunin kayay hindi nakapagtataka kung bakit maraming debate ang nagganap kung ano nga bang talaga ang kanyang kagustuhan.

Si Rizal ay tutol sa pag-aaklas ng walang sapat na kagamitan at armas laban sa mga Kastila. Sapagkat isa siya sa mga taong kritkal ang pag-iisip at isinasaalang-alang ang kapakanan ng nakararami, hindi nakapagtataka kung bakit ganito na lamang ang kanyang reaksyon nang hiningan siya ng payo ni Pio Valenzuela ukol sa pinaplanong rebolusyon ng Katipunan.

Alam niya na dehado ang mga Pilipino sa labanan at ito ay magdudulot ng kamatayan ng maraming tao kasama na ang mga inosente. Di masasabing siya ay tutol sa "Rebolusyon" na pinaplano ng Katipunan. Marahil kung mayroon lamang sapat na suporta at armas ang mga Katipunero, siguradong susuportahan niya ito.

Si Rizal at Bonifacio ay pareho ang nais makamtan ngunit inihayag lamang ni Rizal ang kanyang saloobin sa kalaunang mangyayari kung itutloy ng Katipunan ang kanilang balak ng di sila handa.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~